Home METRO Rider utas sa poste ng solar light

Rider utas sa poste ng solar light

PANGASINAN- Kamatayan ang sumalubong sa isang 25-anyos na lalaki matapos bumangga ang minamaneho nitong motorsiklo sa metal na poste ng solar light sa Brgy. Santa Lucia, Urdaneta City ng lalawigang ito kaninang madaling-araw.

Ayon sa mga awtoridad, ang biktima ay residente ng Zone 4, Brgy. Labit Proper ng naturang lungsod.

Minamaneho ng biktima ang Yamaha Y2F-R15 motorcycle at bumibiyahe papuntang silangan sa bypass-road sa naturang lugar.

Pagdating sa sharp curve na bahagi ng kalsada, nag-overshoot ang driver hanggang sa aksidenteng bumangga ang kanyang motorsiklo sa metal post ng solar light sa tabi ng eastbound lane.

Dahil dito, nagtamo ng severe head injury ang driver at agad itong isinugod sa Urdaneta District Hospital.

Gayunman, ang driver ay idineklarang dead-on-arrival ng umatending doktor. Rolando S. Gamoso