Home NATIONWIDE Copy-paste program sa regular budget, CIF ng OVP ibinulgar ni Lacson

Copy-paste program sa regular budget, CIF ng OVP ibinulgar ni Lacson

1
0

MANILA, Philippines – Ibinulgar ni Senator-Judge Panfilo “Ping” M. Lacson nitong Miyerkules, Agosto 26, ang tinawag na pag-“copy-paste” ng mga programa sa regular na budget kabilang ang Confidential and Intelligence Funds (CIF) ng Office of the Vice President (OVP).

Sa pahayag, sinabi ni Lacson na pawang “stupid” ang paggamit ng halos magkaka-parehong paglalarawan ng mga programa at physical targets para sa regular na budget at CIF nito.

“Paulit-ulit ito. Kayo naman matalinong tao at witness, ano po ang analysis ninyo diyan? Very simply paano nyo analyze ganitong klaseng descriptions? Kung analyze ninyo di ba insulto sa common sense? Di nyo man binago kaunti, at least si Col. Lachica siguro ito,” aniya sa kanyang interjection kasama si OVP assistant chief of staff Lemuel Ortonio.

Sa kanyang interjection, binanggit ni Lacson ang mga halagang nakapaloob sa General Appropriations Act (GAA) para sa 2022 at 2023 at inihambing ang mga ito sa physical and financial plans (PFPs) ng OVP para sa CIF nito.

Batay sa mga naturang datos, noong 2022 ay nakatanggap ang OVP ng P621.6 milyon sa ilalim ng GAA at P125 milyon na CIF para sa fourth quarter ng 2022 para sa “good governance program” nito.

Noong 2023 naman, nakatanggap ang OVP ng P2.21 bilyon sa ilalim ng GAA at P500 milyon na CIF—P125 milyon kada quarter—para sa “socio-economic program delivery” nito.

Binanggit din ni Lacson na noong 2022 at 2023, nakalista sa physical targets ng PFP ng OVP ang “number of identified areas with surveillance conducted and monitored” at “percentage of activities implemented without untoward security-related incidents.”

“Unang-una, (sa) regular program, sana man lang pagdating sa PFP (CFI), binago nyo nomenclature. Tapos under the ‘Physical Target’ column sana man lang binago nyo ang activities. Copy-paste eh,” sinabi niya kay Ortonio.

“I think it’s stupid. Sana man lang binago-bago nang kaunti,” dagdag niya.

Nilinaw ni Lacson na ang paggamit niya sa salitang “stupid” ay tumutukoy sa magkakaparehong paglalarawan at nomenclature sa mga PAP, PFP at physical targets, at hindi sa sinumang tao.

“I did not refer to a person but to the descriptions or nomenclatures of PAP’s, PFP’s and physical targets, so I and the presiding officer agree that there’s nothing wrong and offensive,” aniya.

Samantala, inihayag ni Lacson ang posibilidad na ma-subpoena ang mga dokumentong may kinalaman sa CIF upang makita ng mga senator-judge kung may mga totoong taong tumanggap ng reward money bilang mga informant gamit ang mga alyas, kaugnay ng mga PFP.

“Ang dami sa amin nagtataka talaga, totoo ba talaga ang mga aliases? Totoo bang nakatanggap sila ng rewards, informants’ money? Para lang matapos ang aming paghuhula, baka pwedeng ma-present all the documents relative to the PAPs, relative to the PFP, relative to the expected outcome. Para lang makapag-decision kami,” aniya.

Tinanong din niya si impeachment court Presiding Officer Francis Escudero kung maaaring ma-subpoena ang mga dokumento. Sinagot ni Escudero na “the court can avail of that power” sa tamang panahon.

“There’s a presumption nagamit nang maayos but still there’s that doubt, we cannot remove that, because there are so many issues na lumabas sa aming trial. And we want to be satisfied. After all we will be deciding on the basis of evidence and kung anong tingin namin ano ang tama o ano ang mali,” ani Lacson matapos pasalamatan si Escudero. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here