Home ENTERTAINMENT Coritha, pumanaw na!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Coritha, pumanaw na!September 28, 2024 14:04 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines- Hanggang sa kanyang huling sandali, hindi iniwan ni Chito Santos ang nakarelasyong music icon na si Coritha.Pumanaw nitong September 27, Biyernes dakong 7:50 ng gabi ang iconic folk singer.Stroke ang dahilan ng pagkakaratay ni Coritha (Socorro Avelino sa totoong buhay) ilang taon na ang nakakaraan.Dinala siya ng kanyang partner na si Chito sa tinitirhan nito sa Tagaytay.Doon siya natunton ni Julius Babao who made her a subject in his vlog interview.Si Julius din ang rumesponde noong araw na binawian ng buhay ang 73 anyos na mang-aawit.Kuwento ni Chito, nanghina na raw ito nang tuluyan until she breathed her last.It was the barangay officials who brought Coritha’s body for cremation, na ipinagpaalam naman daw ni Chito ss naulilang pamilya nito.“Hindi ko kasi matiis na tingnan ang itsura niya. Payat na payat na kasi siya,” ani Chito.Baka sa paglabas ng ulat na ito’y kahit isang araw ay napaglamayan ang cremated remains ni Coritha sa Tagaytay.Ayon naman sa doktor na kapatid ni Chito, kailangan din daw nitong magpa-check up.Ikinadurog ng puso ni Chito ang pagpanaw ng partner kahit matagal na raw siyang nakahanda.Mula sa Remate Online, ang aming taospusong pakikiramay sa mga naulila ni Coritha. Ronnie Carrasco III