Home NATIONWIDE Corn procurement sinisilip ng NFA para tumulong sa mga magsasaka sa gitna...

Corn procurement sinisilip ng NFA para tumulong sa mga magsasaka sa gitna ng mababang farmgate prices

MANILA, Philippines- Pinag-aaralan ng National Food Authority (NFA) ang posibleng pagkuha ng mais para tulungan ang mga magsasaka sa gitna ng bumababang farmgate prices.

“For 2025, according to NFA,since hindi iyan na(since it’s not) programmed for 2025, they will find ways on how procurement for corn can be included in their procurement activities for the year,” ayon kay Department of Agriculture (DA) spokesperson Assistant Secretary Arnel de Mesa.

Ang NFA ay mayroon lamang P9 billion sa ilalim ng 2025 General Appropriations Act (GAA) para sa procurement ng palay (unhusked rice) para sa national rice buffer stock.

Sinabi ni De Mesa na maaaring tingnan ng NFA na gamitin ang unprogrammed funds para bumili ng mais ngayong taon.

“For the 2026 plan and budget proposal,isasama na raw nila ang budget for procurement of corn,” aniya pa rin.

Sa isinagawang House Quinta Committee hearing, araw ng Martes, may ilang mambabatas ang nanawagan sa NFA na bumili ng 800,000 metric tons (MT) ng local corn sa presyong P17 per kilogram sa gitna ng bumababang demand sa swine sector bunsod ng epekto ng African swine fever.

“Nung bumaba iyong demand, bumagsak iyong presyo, according sa industry, ng hanggang PHP12 per kilo,” wika ng opisyal.

Sa nakalipas na taon, sinabi ni De Mesa na ang kadalasang farmgate price ng mais ay mula P18/kg hanggang P21/kg; na may production cost na mula P10/kg hanggang P12/kg.

Habang ang pag-aaral ay patuloy na isinasagawa, sinabi ni de Mesa na nakahanda ang DA na tulungan ang lokal na local corn farmers, kabilang na sa distribusyon ng mga punla, fertilizers, machinery, at availability ng credit assistance.

Gayunman, binigyang-diin ito na ang “robust local corn production” ay nananatiling mahalaga, ikonsidera na rito ang mataas na demand sa poultry subsector.

“Mas malaki kasi iyong feed requirements ng poultry at saka ng layers. Ang poultry at saka yung layers, base doon sa huling datos ng PSA (Philippine Statistics Authority), increased by 6 percent,” giit ni de Mesa.

Tinatayang may 1.4 million corn farmers sa bansa, na may pangunahing producing areas na matatagpuan sa Cagayan Valley, Northern Mindanao, at Soccsksargen. Kris Jose