Home METRO P1.57M droga buking sa Caloocan checkpoint

P1.57M droga buking sa Caloocan checkpoint

MANILA, Philippines- Nahuli ang isang motorcycle rider na may dalang courier bag sa Commission on Elections (Comelec)-imposed checkpoint sa Caloocan City, kung saan nakumpiska ng mga awtoridad ang drogang nagkakahalaga ng P1,571,300.

Ayon sa National Capital Region Police Office (NCRPO), unang nasita ang suspek sa pagmamaneho sa motorsiklo nang walang helmet sa checkpoint sa Barangay 171, Bagumbong, Caloocan City, nitong Miyerkules ng gabi.

Subalit, tinangkang takasan ng suspek ang checkpoint at naharang ng mga pulis, base sa NCRPO.

Narekober mula sa suspek ang 12 kilo ng marijuana, 60 piraso ng ecstasy tablets, dalawang gramo ng cocaine at mga bote ng liquid marijuana.

Kasalukuyang nasa ilalim ng police custody, nahaharap ang rider sa mga reklamo sa Caloocan City Judicial Office kabilang ang disobedience to a person in authority or his agents, paglabag sa Article 151 ng Revised Penal Code; maging paglabag sa Dangerous Drugs Act.

“This successful arrest highlights the unwavering commitment of our NCRPO personnel to keeping Metro Manila safe,” pahayag ni NCRPO Director Brig. Gen. Anthony Aberin.

“Through our proactive operations and strategic partnership, we will continue to dismantle illegal drug networks and ensure that our campaign against illegal drugs will be relentless and aggressive,” dagdag niya. RNT/SA