Home NATIONWIDE Corporate income tax sa domestic corporation pinatatanggal sa Kamara

Corporate income tax sa domestic corporation pinatatanggal sa Kamara

1
0

MANILA, Philippines – Isang panukalang batas na naglalayong hindi na pagbayarin ng minimum corporate income tax (MCIT) ang mga domestic corporation simula 2027 ang inihain sa Kamara nina House Speaker Faustino Dy at House Majority Leader Sandro Marcos.

Ang inihain na House Bill (HB) No. 10346 ng House leadership ay alinsunud sa panawagan ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. sa kanyang ikalimang State of the Nation Address (SONA) para sa tax relief na makatutulong sa mga negosyo.

Ayon kay Marcos, layunin ng inihaing panukala na amyendahan ang Section 27 ng National Internal Revenue Code.

“The President’s SONA recognized that a business should not be forced to pay a minimum tax based on gross income when margins are already thin, and we moved quickly to translate that policy into legislation. Removing the MCIT gives viable enterprises more room to keep people employed, meet payroll and invest in their next stage of growth,” paliwanag ni Marcos.

Sa ilalim ng umiiral na batas, ang isang domestic corporation ay karaniwang nagbabayad ng MCIT na katumbas ng dalawang porsyento ng gross income simula sa ikaapat na taon ng operasyon nito kung lumampas ang halagang ito sa regular corporate income tax.

Sa ilalim ng panukala, ang kasalukuyang 2 porsyentong MCIT ay target na ipatupad hanggang Disyembre 31, 2026 na lamang at simula Enero 1, 2027, ang mga korporasyong saklaw ng panukala ay magbabayad na lamang ng regular corporate income tax na kinakalkula mula sa taxable income sa ilalim ng Seksyon 27(A).

Ang regular corporate income tax ay karaniwang 25 porsyento, habang ang mga kwalipikadong domestic corporation na may net taxable income na hindi hihigit sa P5 milyon at kabuuang asset na hindi hihigit sa P100 milyon ay may 20 porsyentong buwis.

Pinahihintulutan sa panukala na ma-carry forward at ma-credit laban sa regular corporate income tax sa loob ng tatlong sunud-sunod na taon ang anumang labis na MCIT na nauna nang nabayaran.

Habang hindi pa tuluyang naaalis ang MCIT, maaaring suspindihin ng kalihim ng Department of Finance (DOF) ang pagpapataw nito sa mga korporasyong nalulugi.

“The President’s SONA asked Congress to give small businesses practical relief, and Speaker Bojie Dy has kept the House focused on measures that reach the shop floor and the neighborhood store. By shifting covered corporations to the regular tax on taxable income beginning in 2027, the bill makes the system more responsive to actual business performance,” paliwanag ni Marcos.

Sa oras na maisabatas ang panukala ay inaatasan na maglabas ng implementing rules ang kalihim ng DOF sa loob ng 90 araw mula sa rekomendasyon ng BIR commissioner, at magkakabisa ang batas 15 araw matapos itong maipalathala. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here