Home NATIONWIDE Corruption, flood control scandal, nagpapalugmok sa ekonomiya – Pia

Corruption, flood control scandal, nagpapalugmok sa ekonomiya – Pia

332
0

MANILA, Philippines – Lubhang ikinabahala ni Senador Pia Cayetano ang matinding epekto ng korapsiyon at flood control scandal sa ekonomiya bukod sa nakakasira sa pagtitiwala ng nagbabayad ng buwis at hadlang sa dayuhang pamuhunan.

Sa pahayag, sinabi ni Cayetano na kung patuloy ang corruption hindi lamang sa flood control, kundi sa lahat ng ahensiya ng pamahalaan, babagsak ang paglago ng ekonomiya ng bansa.

Pinangunahan ni Cayetano, chairman ng  Senate Committee on Ways and Means, ang isang public hearing nitong Nobyembre 12 upang suriin ang performance ng  t Bureau of Internal Revenue (BIR) at Bureau of Customs (BOC), ang key revenue-generating agencies ng pamahalaan.

Inamin ni dating  BIR Commissioner Romeo Lumagui, Jr. na bumagsak ang kita ng ahensiya sa P897 billion upang makamit ang P3.219-trillion collection target sa 2025 sa gitna nang pagbagal ng paggasta ng pamahalaan sa gitna ng flood control scandals.

Binanggit ni Cayetano ang sitwasyon na nagpapakita kung paano nakakaapekto ang graft and corruption sa paulit-ulit na sistemang umuubos sa yaman ng bansa kasabay ng pagkalas ng tiwala ng publiko at imbestor kaya mahina ang kolekisiyon, kakaunti ang pamuhunan at mabagal ang paglikha ng trabaho para sa Filipino.

“Sadly, we are in a situation where, as we try to help people understand where their taxes should go – on education or health services – they instead hear these stories of graft and corruption. Sino bang hindi malulungkot? Sino pa bang gaganahan to pay their taxes? Sinong investor pa ang gustong maglagay ng pera dito sa atin,” ayon sa senadora.

“The challenge before us is to ensure that our revenue system remains equitable, efficient, and responsive to the needs of the Filipino people,” giit pa niya.

Sinabi pa ni Cayetano na base sa kanyang konsultasyon para sa  Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) Act, na kanyang inisponsor, paulit—ulit na binabanmggit ng , business groups at investors ang walang puknat na corruption ang pangunahing sagka sa pamumuhunan sa Pilipinas.

“Tackling these issues requires both strong enforcement and legislative support to strengthen government systems, improve transparency, and restore confidence among taxpayers and investors,” aniya.

“Addressing corruption and loopholes in government agencies also involves investing in the right technology to improve monitoring and close gaps in existing procedures,” giit ng senadora. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here