Home NATIONWIDE Cotabato City, Maluso isinailalim sa Comelec control

Cotabato City, Maluso isinailalim sa Comelec control

3
0

MANILA, Philippines — Isinailalim ng Commission on Elections (Comelec) sa kontrol nito ang Cotabato City at Maluso, Basilan kasunod ng mga insidente ng karahasan at pagkakadiskubre ng mga pre-shaded ballot sa unang BARMM parliamentary elections nitong Lunes, Setyembre 14.

Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, kabilang sa naging basehan sa Cotabato City ang mga insidente ng pamamaril at pagsabog bago ang halalan.

Tatlo ang nasawi at 15 ang nasugatan sa hiwalay na insidente ng pamamaril sa lungsod ilang oras bago magsimula ang botohan.

Sa Maluso naman, sinabi ng Comelec na 36 sa 68 precincts ang naapektuhan matapos madiskubreng pre-shaded ang mga balota.

Iniutos na ni Garcia ang muling pag-imprenta ng mga balota para sa mga apektadong presinto. Tinatayang nasa 600 botante ang maaapektuhan ng pagkaantala sa botohan.

Patuloy naman ang botohan sa natitirang 32 precincts sa Maluso habang inaasahang makapagsisimula ang pagboto sa mga apektadong presinto sa hapon.

Sinabi ng Comelec na nakikipag-ugnayan na rin ito sa National Bureau of Investigation upang matukoy at mapanagot ang responsable sa pre-shaded ballots.

Tiniyak ng poll body na magpapatuloy ang halalan at wala pang deklarasyon ng failure of elections sa Maluso. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here