Home NATIONWIDE Courtesy resignation ni Toby Nebrida tinanggap na

Courtesy resignation ni Toby Nebrida tinanggap na

MANILA, Philippines- Inanunsyo ni Presidential Communications Office Ad Interim Secretary Jay Ruiz nitong Martes na tinanggap na ang courtesy resignation ni Toby Nebrida bilang general manager ng state-run television network People’s Television Network (PTV).

Kasunod ang anunsyo ng paglalahad ni Ruiz na si Oscar Orbos ang mamumuno sa PTV bilang officer-in-charge nito.

Nauna nang sinabi ni Ruiz na papalitan ni Orbos si Nebrida dahil sa umano’y mga reklamo mula sa PTV employees. Hindi naman siya nagbigay ng detalye ukol dito.

Nagsilbi ang 74-anyos na si Orbos bilang executive secretary maging transportation and communications secretary sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Corazon Aquino mula 1990 hanggang 1991.

Naging kongresista rin siya ng first district ng Pangasinan mula 1987 hanggang 1990 at gobernador ng lalawigan mula 1995 hanggang 1998. RNT/SA