Ganito ituring ni Presidential Communications Secretary Jay Ruiz ang paratang sa kanya na nakasungkit siya ng P206-million deal sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) para sa pag-eere ng lotto draws sa state-run IBC 13.
“Let me clarify that story. Actually, I did not want to dignify the story ‘no kasi it’s fake news. It’s fake news. Unang-una, I don’t own a share; I’m not a stockholder; I am not an owner of Digital 8. I was an authorized representative, to represent the company in the joint venture agreement between IBC-13, Digi8 and PCSO. I never owned that company,” ang pahayag ni Ruiz.
Sa isang panayam, sinabi ni Ruiz na nagsilbi lamang siyang “authorized representative” para sa Digital 8 Inc. sa panahon ng negosasyon ng P206-million deal kasama ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) para sa pag-eere ng lotto draws sa state-run IBC 13.
“So, parang ginawa lang nila as representative dahil may konting pangalan naman tayo, ginawa akong parang spokesperson ng kumpanya – head ng sales and marketing noong October 2024. And in January 17 dahil nga may mga iba naman na akong inaayos na negosyo, ako po’y nag-resign sa kumpanya. I never owned a single share of Digital 8 so maliwanag po iyan,” aniya pa rin.
Binigyang-diin ni Ruiz na ang kasunduan ay tinintahan bago pa ang kanyang appointment bilang hepe ng PCO dahilan para kumalas siya sa kompanya nito lamang January 2025.
“’Yung Digital 8, hindi akin ‘yan . I’m not the owner, I’m not a stockholder.Naimbitahan lang ako para mag-represent sa company kasi siyempre kahit papano may pangalan naman tayoand they want some status for their spokesperson. Authorized representativeang tawag,” diing pahayag ni Ruiz.
Aniya pa, ang akusasyon laban sa kanya ay walang basehan at hindi totoo, malinaw na fake news dahil ang kompanya at dealings ay nangyari bago pa siya pumasok sa public office.
“Wala pa ko sa gobyerno noon… Since hindi akin ‘yan, the accusations walang katotohanan. Ayoko sana patulan kasi fake news eh,” dagdag na wika nito.
Dismayado rin si Ruiz sa itinuturing din niyang ‘demolition job’ laban sa kanya dahil apektado ang kanyang pamilya partikular na ang kanyang mga anak dahil hindi man lamang nakuha ang kanyang panig sa usaping ito.
“Eight days pa lang ako.I’m trying to reform the office.Pang-apat na PCO secretary ako. Eighth day pa lang madami nang sinasaksak sa akin, lumutang pa lang ang pangalan ko kung anu-ano nang paninira ang lumalabas,” ang sinabi ni Ruiz. Kris Jose