Home HOME BANNER STORY Courtesy resignations ng Gabinete agad dedesisyunan ni PBBM

Courtesy resignations ng Gabinete agad dedesisyunan ni PBBM

301
0

MANILA, Philippines – Inaasahan ang mabilis na pagdedesisyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kaugnay sa mga isinumiteng courtesy resignations ng mga miyembro ng kanyang Gabinete.

Ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, sa isang panayam, hindi man matukoy ang eksaktong timeline, tiniyak niyang:

“Hindi ko masasabi yung timeline pero ang sabi nga ng Pangulo gusto niya mabilis. So, dapat mabilisan din ito. Makakaasa sila na mas mabilis ang pagde-decide patungkol dito.”

Paliwanag ni Castro, ang Pangulo ay nagbabase sa performance ng mga Cabinet members pati na rin sa kawalan ng isyu ng korapsyon upang mapanatili sila sa posisyon.

“Unang-una, siyempre, ayaw ng mabagal ng Pangulo. Yan ang nireklamo niya, ayaw niya maging mabagal ang trabaho ng administration. At the same time, may mga issues ng korapsyon. So isa yan.”

“So performance, saka dapat maging malinis ang trabaho ng mga Gabinete, dapat walang korap.”

Kamakailan lang ay nanawagan si Pangulong Marcos para sa courtesy resignations mula sa mga Cabinet secretaries bilang bahagi ng layunin niyang i-recalibrate ang administrasyon pagkatapos ng midterm elections.

“It’s time to realign government with the people’s expectations. This is not business as usual. The people have spoken, and they expect results—not politics, not excuses. We hear them, and we will act,” ayon sa Pangulo.

Layunin ng kahilingang ito na mabigyan ang Pangulo ng pagkakataong suriin ang performance ng bawat departamento at tukuyin kung sino ang magpapatuloy sa serbisyo, na nakaayon sa mga bagong prayoridad ng administrasyon.

“This is not about personalities—it’s about performance, alignment, and urgency. Those who have delivered and continue to deliver will be recognized. But we cannot afford to be complacent. The time for comfort zones is over,” dagdag pa ni Pangulong Marcos. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here