Home NATIONWIDE COVID bivalent vaccine pwede na sa general population – DOH

COVID bivalent vaccine pwede na sa general population – DOH

MANILA, Philippines – Maaari nang magamit ng pangkalahatang publiko ang COVID-19 bivalent vaccine, sinabi ni Department of Health Secretary Ted Herbosa.

Ayon sa kalihim, nagpasya ang executive committee (Execom) ng DOH na gawing available sa publiko ang COVID-19 bivalent vaccine dahil sa mabagal na pagkonsumo ng mga paunang doses ng bivalent vaccine, na nagtatarget ng mga partikular na variant ng COVID-19 tulad ng mas nakakahawang Omicron.

Aminado rin si Herbosa na ang suplay ng bakuna ay bumababa dahil ang mga bakuna ay malapit na sa extended shelf life expiration nito.

“Dati healthcare worker at senior citizen, so nag-decide kami, sige lahat na ng gusto magpa-vaccine ng booster, pwede na,” sabi ni Herbosa.

Nangangahulugan na ang general population ay makakakuha na ng COVID-19 bivalent vaccine.

Ang COVID-19 bivalent vaccine ay ibinigay ng Lithuania noong Hunyo at itinuturing na napaso noong Hulyo 31, ngunit iginiit ni Herbosa na pinahaba ng manufacturer ang shelf life nito hanggang Agosto 31.

Sinabi ni Herbosa na ang mga nakatanggap ng kanilang pangunahing bakuna sa isang booster shot ay maaaring gumamit ng COVID-19 bivalent vaccine.

Sinabi rin ng kalihim na 38 percent lamang ng mahigit 390,000 doses ng COVID-19 bivalent vaccine ang nagamit noong Hulyo. Jocelyn Tabangcura-Domenden