Home NATIONWIDE Pagbaha ibinabala sa pagpapakawala ng tubig ng Ambuklao, Binga dam

Pagbaha ibinabala sa pagpapakawala ng tubig ng Ambuklao, Binga dam

MANILA, Philippines – Nagbabala ang PAGASA sa mga residente ng tatlong barangay sa Benguet na posible ang mga pagbaha kasunod ng anunsyo ng Ambuklao at Binga Dam na magpapakawala ito ng tubig.

Ayon sa ahensya, magbubukas ng tatlong spillway gates ang Ambuklao at Binga Dam dahil sa inaasahang lima hanggang 20 millimeters ng pag-ulan na babagsak sa bisinidad ng dam sa susunod na 24 na oras.

Hiniling sa mga residente ng Barangay Ambuklao at Dalupirip sa Bokod, at Barangay Tinongdan sa Itogon, na magsagawa ng nararapat na aksyon patungkol dito.

Sa ulat ng PAGASA, ang lebel ng tubig sa Ambuklao Dam at Binga Dam ay nasa 751.05 metro at 571.10 metro hanggang nitong alas-8 ng umaga ng Biyernes, Agosto 4. RNT/JGC