Home ENTERTAINMENT Cristine, wala pang balak magpagarahe!

Cristine, wala pang balak magpagarahe!

Manila, Philippines – Ayon kay Cristine Reyes, dahil sa mga pinagdaanan daw niya sa buhay, dumating daw siya sa puntong nagtampo siya sa Diyos.

Nagtanong daw siya noon kung bakit nangyayari sa kanya ang mga dinanas na pagsubok sa buhay.

Common knowledge naman na traumatic din ang kanyang childhood kaya lumaki siyang laging tagasunod lang.

Nakaranas din siya noon ng verbal abuse sa kanyang biological mom na binalak siyang i-abort noong nasa sinapupunan pa siya ng huli.

Sa panayam ni Karen Davila, masasabi raw niyang saving grace niya ang nobyong si Marco Gumabao.

Ito raw ang nag-encourage sa kanya na magsimba at i-renew ang pananampalataya at personal na pakikipag-ugnayan sa Diyos.

Nakatulong din daw ito para maihanap niya ng sagot ang mga problema niya sa buhay kasama na ang mental issues.

Natuto raw siya sa mga karanasan niya sa buhay kaya ito raw ang iminumulat niya sa kanyang anak na si Amara.

Open daw ang komunikasyon sa kanila ng anak.

Ini-encourage raw niya itong magsalita nang malaya kung anuman ang nararamdaman nito para hindi ito lumaking kimi o may takot sa mga bagay-bagay.

Hindi naman niya ikinailang naging smooth sailing ang pagsasama nila ng ex na si Ali Khatibi na tatay ng kanyang anak na si Amara.

Nagkahiwalay daw sila dahil pumasok sila sa relasyon noong time na pareho pa silang hindi handa at immature.

Sa ngayon, hindi man sila close, civil lang daw sila sa isa’t-isa para sa kapakanan ng anak.

Sa nasabing tsikahan, sinabi rin ni Cristine na bagama’t napag-uusapan nila ni Marco ang kanilang future, wala pa raw siyang balak pakasal sa nobyo sa malapit na hinaharap.

Ito ay sa kabila ng katotohanang annulled na ang marriage niya sa kanyang ex. Archie Liao