Home ENTERTAINMENT Cristy, may pasabog vs ina ni Sarah!

Cristy, may pasabog vs ina ni Sarah!

Manila, Philippines – Hindi na kailangang maghanap ng ibabalita ang mga beterano na pagdating sa pangangalap ng maiuulat.

Tulad na lang ni Cristy Fermin.

Sa latest episode ng Showbiz Now Na, tila running story nito ang paksa sa paghihiwalay nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati.

Pero sa pagkakataong ito, mas sumentro sa mga magulang ni Sarah na sina Esther at Abdel.

Nasa bansa ngayon ang mag-asawa na nakabase sa Switzerland.

Ani Cristy, in Geneva in particular, ay maraming Pilipinong naninirahan at nagtatrabaho rin.

Maging ang mga ito rin daw ay either updated o may impormasyong nalalaman tungkol sa Lahbati couple.

Dating OFW ang ina ni Sarah na nagtrabaho bilang househelp doon.

Dahil retirado na, ine-enjoy na lang ni Esther ang kanyang state pension.

Isa sa mga nakalap ni Cristy ay sa tuwing uuwi raw dito ang mga magulang ni Sarah.

Si Sarah raw pala ang sumasagot sa airfare ng mga ito who fly business class.

In question tuloy kung saan kinukuha ni Sarah ang gastos sa flight ng mga magulang: mula ba sa bulsa ni Richard?

Pero ang nakakagulat na pasabog ni Cristy ay may kinalaman sa pagsasama nina Esther at Abdel.

May lamat na umano ang pagsasama nito.

Ang itinuturong dahilan ay ang pakikipagrelasyon umano ni Abdel sa pamangkin ni Esther na nagtatrabaho rin daw sa Geneva.

Kahit daw sa harap ng kanilang dalawang apo (mga anak ni Sarah kay Richard) ay nagbabangayan sina Esther at Abdel.

Samantala, ipinagtataka naman ni Esther kung bakit ganoon na lang kalaki ang galit ni Richard sa kanyang anak.

Inirereklamo ni Esther ang pagiging unreasonably jealous ng kanyang manugang, na ang gusto raw ay ipa-DNA test pa ang isa anak nito kay Sarah.

Bukas ang Remat Online para sa panig nina Richard at Esther kaugnay ng mga isyung nabanggit sa artikulong ito. Ronnie Carrasco III

Previous articleAplikante para sa franchise consolidation dumami bago mag-deadline – DOTr
Next articleDSWD muling magpalalabas ng guarantee letters sa ilalim ng AICS