Home NATIONWIDE DSWD muling magpalalabas ng guarantee letters sa ilalim ng AICS

DSWD muling magpalalabas ng guarantee letters sa ilalim ng AICS

MANILA, Philippines- Ipagpapatuloy ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pagpalalabas ng guarantee letters (GLs) sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS).

Ayon sa DSWD, ang GL ay ibinibigay sa tao na nasa crisis situation upang matiyak na ang service provider, gaya ng ospital, ay babayaran ng DSWD para sa mga serbisyo na naipagkaloob sa benepisaryo.

Ang halaga na ipagkakaloob sa pamamagitan ng GLs para sa indibidwal ay maaaring magkakaiba o mula P10,000 hanggang P150,000.

“Pinaaalam ng DSWD ang muling pagbibigay ng mga GL sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) simula ngayong araw ng Martes, Enero 2, 2024,” ang sinabi ng department sa post ng X.

Samantala, inanunsyo ng DSWD na sususpendihin nito ang pagbibigay ng cash assistance, bahagi ng AICS, habang nananatiling hinihintay ang pondo sa ilalim ng General Appropriations Act. Kris Jose

Previous articleCristy, may pasabog vs ina ni Sarah!
Next articleSC na ang magdedesisyon ng legalidad ng P449B excess unprogrammed funds – Salceda