Home NATIONWIDE Crowd estimate sa Luneta, higit 30K na

Crowd estimate sa Luneta, higit 30K na

269
0

MANILA, Philippines – Nilinaw ng pamunuan ng Manila Police District (MPD) ang nangyaring insidente sa Luneta sa pagitan ng mga pulis at mga raliyista.

Ayon sa MPD, ang pagpigil ng mga awtoridad sa isang grupo na magsasagawa ng kilos protesta ay dahil sa walang maipakitanh permit o pahintulot mula sa Manila Parks and Development Committee (MPDC) na kinakailangan para sa pagsasagawa ng anumang pampublikong pagtitipon, alinsunod sa probisyon ng Batas Pambansa Blg. 880 o Public Assembly Act.

Agad na umaksyon ang MPD upang maiwasan ang anumang abala, posibleng kaguluhan at upang mapanatili ang kaligtasan ng publiko.

Sa ngayon, ang crowd estimate sa Luneta ay umabot na sa mahigit 30,000 at inaasahan na sila ay tutulak sa Mendiola.

Patuloy na hinikayat ng MPD ang lahat ng organisasyon at indibidwal na makipag-ugnayan at sundin ang mga itinakdang regulasyon upang matiyak na ang kanilang mga aktibidad ay magiging maayos, ligtas, at alinsunod sa batas.

Nanatili ang MPD na handang magbigay ng seguridad sa anumang lehitimong aktibidad basta’t ito ay may koordinasyon at naaayon sa umiiral na batas.

Ang MPD ay naninindigan sa paggalang sa karapatan ng bawat mamamayan na magpahayag ng kanilang saloobin, ngunit tungkulin din naming tiyakin ang kapayapaan at kaayusan sa Lungsod ng Maynila. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here