MANILA, Philippines – Tuloy-tuloy ang pagbuhos ng mga tao sa Luneta Park upang makiisa sa panawagan na panagutin ang mga korap sa gobyerno.
Kaugnay pa rin sa peace rally o ang Rally for Transparency and a Better Democracy ng Iglesia ni Cristo (INC), umakyat na sa 550,000 ang crowd estimate sa Quirino Grandstand.
Ayon ito sa tantya ng Manila Police District (MPD) as of 5pm.
Alas-kwatro ng hapon ng opisyal na simulan ang programa at isa sa nagsalita sa entablado si INC spokesperson Edwil Zabala na aniya ay simple lang ang panawagan ng taumbayan.
Giit niya, madaling maunawaan, maging lantad at huwag ikubli ang mga guilty sa kumot ng kasinungalingan at pagtatakip.
Ayon pa kay Zabala, malinaw ang panawagan na ang imbestigasyon ay makatarunagn upang mapanagot ang mga nagkasala.
Mahigpit pa rin ang seguridad sa buong paligid ng Luneta Park Hindi lamang sa hanay ng Manila Police District (MPD) kundi maging sa INC. Jocelyn Tabangcura-Domenden