Home OPINION CSC, COA AT DBM NAGTATAKDA NG LIMITASYON SA PAGKUHA NG COS AT...

CSC, COA AT DBM NAGTATAKDA NG LIMITASYON SA PAGKUHA NG COS AT JO WORKERS

268
0

INILABAS ng Civil Service Commission (CSC), Commission on Audit (COA), at Department of Budget Management (DBM) nitong Disyembre 18, 2025, ang Joint Circular No. 01 series of 2025 na nagtatakda ng limitasyon sa pagkuha ng Contract of Service (COS) at Job Order (JO) workers sa pamahalaan bilang tugon sa matagal nang isyu ng kontraktuwalisasyon sa pampublikong sektor.

Nakapaloob sa circular na maaari pa ring kumuha ng COS at JO workers ang mga ahensya, ngunit hindi na dapat lumampas sa bilang ng mga kasaluku­yang personnel sa pagtatapos ng 2025. Sa madaling salita, itinatakda nito ang “ceiling” o pinakamataas na bilang ng mga kontraktwal na manggagawa sa bawat ahensya.

Saklaw ng circular ang mga national government agencies, government-owned or control­led corporations (GOCCs) na may sariling charter, state universities and colleges, at mga constitutional bodies. Hindi saklaw ang local government units (LGUs) at ang mga COS at JO workers na binabayaran mula sa enginee­ring at administrative overhead expenses.

Hinihikayat din ng circular ang mga ahensya na suriin ang kani­lang pangangailangan sa emple­yado, gumawa ng optimization plans alinsunod sa Government Optimization Act, at isaalang- alang ang absorption ng kasalukuyang COS at JO workers sa plantilla positions kung posible.

Kasama rin sa mga probis­yon ang mga karagdagang benepisyo, obligasyon sa reportorial requirements, at pananagutan ng mga pinuno ng ahensya upang masiguro ang kapakanan ng COS at JO workers.

Ayon sa CSC, ang JC No. 1, series of 2025, ay magkakabisa 15 araw matapos mailathala sa pahayagan at mairehistro sa Office of the National Administrative Register sa University of the Philippines Law Center.

Ang hakbang na ito ay bahagi ng mas malawak na kampanya ng pamahalaan na bumawas sa contractualization at palakasin ang seguridad sa trabaho ng mga empleyado sa pampub­likong sektor, isang isyu na ma­tagal nang kinukwestyon ng labor groups at civil society organizations.

Target din nitong sigura­duhin na may patas na benepisyo at oportunidad sa mga manggagawang kontraktwal.

Batay sa datos, noong 2023 ay may 832,812 na kabuuang COS at JO workers sa pamahalaan o katumbas ng 29.68 percent ng government workforce at mas mataas ng halos 30 porsyento kumpara noong 2022. Nasa 69.68 porsyento ay nasa LGUs.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here