SINABI ng Civil Service Commission (CSC) na magsasagawa ito ng isang nationwide job fair sa September 2 hanggang 6, 2024.
Ang aktibidad ay bahagi ng pagdiriwang ng 124th Philippine Civil Service Anniversary (PCSA).
Ang onsite job fair ay magbibigay sa mga indibiduwal na nais na magkaroon ng career sa public sector ng venue para mag-interact sa mga recruiters, maaaring maghain ng aplikasyon at magsumite ng requirements sa ilang piling ahensiya ng pamahalaan.
“The PCSA is a celebration not only of the CSC but also of all the government agencies and the 1.9 million civil servants across the nation. Through the 2024 Government Job Fair, we are opening doors to a new batch of dedicated individuals who are eager to serve the public, ensuring that we continue to attract passionate talent committed to making a positive impact in our communities and upholding the values of good governance,” ang paliwanag ni CSC Chairperson Karlo Nograles.
Sa kabilang dako, magpapartisipa naman sa job fair ang national government agencies, local government units, state and local universities and colleges, at maging ang government-owned and controlled corporations.
Idaraos ang naturang event sa iba’t ibang malls at civic centers.
Maaaring bisitahin ng mga interesadong jobseekers ang listahan ng recruiting government agencies sa PCSA microsite. Kris Jose