Home METRO Expanded number coding scheme suspendido sa QC sa Lunes, Aug. 19

Expanded number coding scheme suspendido sa QC sa Lunes, Aug. 19

Mahaba ang pila ng mga pasahero sa EDSA Bus Carousel Mega Q-Mart Station sa Quezon City nitong Martes matapos magdulot ng pagkaantala ang nakasabit na sagabal sa footbridge sa pagitan ng Magallanes at Taft stations ng MRT-3, dahilan upang humaba rin ang pila sa ilang istasyon ng tren. Danny Querubin

MANILA, Philippines – Susupindihin ang Expanded Number Coding Scheme Quezon City sa Agosto 19, Lunes, bilang paggunita sa Quezon City Day o ang anibersaryo ng kapanganakan ng pangalan ng lungsod, ang yumaong pangulong Manuel L. Quezon.

Batay ito sa desisyon ng Quezon City government at bilang paggunita sa taunang holiday sa lungsod.

Ang mga sasakyan na ang mga plaka ay nagtatapos sa numero 1 at 2 ay papayagang bumyahe sa mga pangunahing kalsada at mga lansangan sa Quezon City.

Idineklara ng Republic Act 6741 ang Agosto 19 bilang special non-working holiday sa Quezon City at Quezon province. Santi Celario