Home NATIONWIDE CSC: Pagsumite ng SALN para sa mga gov’t officials, employees ‘gang Abril...

CSC: Pagsumite ng SALN para sa mga gov’t officials, employees ‘gang Abril 30

118
0

MANILA, Philippines – Muling nagpaalala ang Civil Service Commission sa lahat ng opisyal at empleyado ng gobyerno na magsumite ng kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) bago o sa April 30, alinsunod sa Republic Act No. 6713.

Ayon sa CSC, kailangang magsumite ng SALN ang lahat ng nasa national at local government, state universities and colleges, at government-owned or controlled corporations, maliban sa mga honorary workers at casual o temporary laborers.

Ang SALN ay dapat maglaman ng tapat at detalyadong deklarasyon ng assets, liabilities, net worth, at mga interes sa negosyo o pananalapi.

Kailangan itong isampa sa loob ng 30 araw matapos maitalaga sa tungkulin, taun-taon bago o sa April 30 batay sa estado ng yaman noong Disyembre 31 ng nakaraang taon, at sa loob ng 30 araw pagkatapos umalis sa serbisyo.

Ayon sa CSC Resolution No. 2500632 o Omnibus Rules on SALN, gagamit ng updated 2025 SALN form ang mga deklarante at maaaring mag-attach ng karagdagang sheet kung kinakailangan.

Pinapayagan na rin ang digital filing at submission upang mapadali ang proseso ng pagsunod.

Kailangang magsumite ang bawat empleyado ng tatlong original copies sa kanilang Human Resource Management Office (HRMO), habang ang HRMO naman ay magsusumite ng consolidated SALNs sa tamang ahensya bago ang October 30 bawat taon. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here