MANILA, Philippines- Bago sumapit ang Annual Meeting ng ADB sa susunod na buwan, nanawagan ang civil society groups sa Asian Development Bank (ADB) na baguhin ang kasalukuyang draft ng Environmental and Social Framework (ESF).
Upang ihayag ang kanilang pagkabahala sa mga probisyon ng polisiya na makaaapekto sa mga indibidwal at makapipinsala sa kapiligiran, inilatag ng nasa 200 raliyista ang kanilang mga hinaing sa ADB Headquarters sa Manila sa pamamagitan ng kilos-protesta at pagtatanghal.