Home NATIONWIDE Cyber patrols pinaigting ng ACG

Cyber patrols pinaigting ng ACG

MANILA, Philippines- Sinabi ng Philippine National Police – Anti Cybercrime Group (PNP-ACG) nitong Huwebes na pinaigting nito ang cyber patrols laban sa videos sa social media na minamanipula gamit ang deepfake technology, kung saan nabiktima rin si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Kasunod ito ng pagkalat ng video kung saan maririnig ang boses na katulad ng sa Pangulo, kung saan inaatasan ang Armed Forces of the Philippines na aksyunan ang isang partikular na bansa.

Sinabi ni PNP-ACG chief Maj. Gen. Sidney Hernia na nakatanggap sila ng tip mula sa isang concerned citizen at nabisto ang deepfake videos na ini-upload ng “Dapat Balita” sa video platform YouTube na iniuugnay sa Pangulo at kung saan tinatalakay ang tensyon sa West Philippine Sea.

Base sa Massachusetts Institute of Technology, ang deepfake ay partikular na uri ng synthetic media kung saan ang indibidwal sa isang imahe o video ay itinutulad sa isa pang indibidwal.

Ginagawa ito sa pamamagitan ng artificial intelligence (AI) technology na gumagaya sa isang bagay na hindi totoo o mga pangyayaring hindi naganap.

“‘Dapat Balita’ was deactivated, but another YouTube account with the same name reposted the videos. Additionally, a Facebook page named ’Dapat Balita,’ created on April 19, 2021, was found. The page managers’ primary country or region location is the Philippines and Pakistan. The page keeps posting fake articles, which has been noticed by commentators,” dagdag ni Hernia.

Aniya, hiniling ng ACG ang preserbasyon ng datos na YouTube channel at deactivation ng Facebook page nito.

Maaaring kasuhan ang cybercriminals sa paglabag sa Article 154 (Unlawful use of means of publication and unlawful utterances) of the Revised Penal Code, in connection with Section 6 and Section 4 (b) (3) of the Cybercrime Prevention Act of 2012.

Samantala, nakapagtala ang PNP ng 19.57 porsyentong pagbaba sa focus crime incidents mula Jan. 1 hanggang April 22 ng kasalukuyang taon.

Batay sa pinakabagong datos hanggang nitong Huwebes, sinabi ng PNP na 10,249 focus crimes ang naitala sa nabanggit na period, kumpara sa 12,743 na naiulat sa parehong period noong nakarang taon.

Kabilang sa mga itinuturing na focus crimes ang murder, homicide, physical injury, rape, theft, robbery, vehicle theft, at motorcycle theft.

Sa anti-illegal drug efforts naman, may kabuuang 13,114 kg. ng marijuana at shabu at 7,412,292 piraso ng marijuana plants, na may tinatayang street value  na P32.6 bilyon, ang nakumpiska sa ilalim ng Marcos administration.

Para sa cybercrimes sa parehong period, nadakip ng PNP-ACG ang 1,202 suspek at nasagip ang 4,140 biktima.

Sa operasyon laban sa international gaming licensing, tulad ng Philippine offshore gaming operator (POGO) activities at online lending applications, halos 50 suspek ang nadakip habang 2,364 dayuhan at 1,706 Pilipino ang nasagip. RNT/SA