Home ENTERTAINMENT Baby Go, kakasuhan ang 69-year old beauty queen!

Baby Go, kakasuhan ang 69-year old beauty queen!

Manila, Philippines – Kalmado ngunit madiin ang mga salitang binitawan ng BG Films International producer na si Baby Go laban sa kontrobersyal na 69-year old Miss Universe Philippines- QC na si Joyce Penas Pilarsky Cubales.

Si Ms. Joyce ang senior na beauty queen na sumubok na maging representative ng Pinas sa Ms U pageant na hindi pinalad.

Batay ito sa interview ng TV5 kay Madam Baby na ginanap sa opisina ni Atty. Ferdinand Topacio.

Nakaabot kasi si kaalaman ni Madam Baby ang sunod-sunod na akusasyon umano sa kanya ni Miss Joyce bukod pa sa umano’y pagpunta ng huli sa dating opisina ng BG matriarch.

Una, diumano ay may mga giant pearls, old coins and paper bills daw ang ibinenta ni Go kay Joyce na later on ay napag-alaman daw na fake.

Pangalawa, diumano ay may utang daw si Go kay Pilarsky.

Pangatlo, may lupa raw siyang binebenta kay Joyce na hindi naman daw siya ang may-ari?

Ano ba ang totoo?

“Si Pillarsly ay gustong pumasok sa BG bilang artista pero wala naman akong offer dahil ang namamahala diyan ay ang aking line producer.

“Nagbenta raw ako ng alahas sa kanya? Hindi ko negosyo ang alahas.

“Meron akong gallery and dati nakita niyang may suot akong necklace, kinuha njya, bibilhin daw niya pero hindi pa niya binayaran.

“Lahat ng suot ko gusto niya.

“Meron soyang pinirmahan at meron pong picture.

“Real eatate po ang business ko.

“Peke raw mga nabili niyang pearl?

“Hindi ako nagbebenta. Nakita lang niya sa aking koleksyon, sa aking gallery and kinuha niya pero hindi ko binebenta.

“Wala akong ino-offer sa kanya. Ginagaya niya lang ako kaya kinuha lang niya yung nasa akin.

“‘Yung mga old coins at paper bills, ibebenta raw niya kaya kinuha niya. Koleksyon ko yun mga yun.

“May mga pumupunta sa akin and binebenta ang mga old coons and paper bills nila kasi kailangan nila ng pera kaya binibili ko for my collection.

“Pumunta nga raw siya sa dati kong opisina. Alam niyang wala na ako doon pero pumunta pa rin siya para manira lang.

“And may lupa raw sa Palawan siyang binayaran at binenta ko? Never akong nag-alok sa kanya.

“Sabi niya gusto niga pero wala siyang binayaran. Meron bang documents na binayaran niya ako? Wala siyang proof na ako ay nagbebenta sa kanya.

“Ikaw naman, maniniwala ka ba kung sakaling iaalok sa iyong lupa, picture lang? Fabrication ang lanyang sinasabi.

“Ang totoo, may utang siya sa akin at magbayad siya. And may documents ako sa mga utang niya.

“Mga almost P26M ang utang niya sa akin na hindi alam ng mga anak ko kaya nagagalit sila sa akin.

“May problema yata siya sa asawa niya na parang kukunin yung mana kaya kailangan niya ng pera nu’ng time na ‘yun.

“Paano niya ako kinumbinse na pautangin siya?Marami siyang mga pinangako na kesyo ibebenta niya ang kanyang mga properties kasi may bahay daw siya sa kung saan saan.

“And scammer daw ako? At minanmanan ko raw siya?

“Marami akong kaibigan na magpapatunay na hindi ako scammer and siya ang nagmanman sa akin dahil siya ang nagpunta sa opis ko, may documents lahat and siya ang nangutang. Sino kaya ang scammer?” ang mahabang pahayag ni Madam Baby sa interview sa kanya.

Sa huli ay sinabi niyang kakasuhan niya si Joyce.

“Maghahain kami ng demanda laban sa kanya and mas maganda na idaan natin sa legal ang lahat lalo at meron akong documents na patunay,” sabi pa ng nasabimg lady producer.

As of press time ay sinubukan naming kunin ang reaksyon ni Ms Joyce ngunit wala pang kasagutan.

Bukas naman ang Remate Online para ihayag ang panig ni Ms. Joyce. JP Ignacio