Home NATIONWIDE Cybercrime raps isinampa vs Chinese ‘spy’

Cybercrime raps isinampa vs Chinese ‘spy’

MANILA, Philippines- Naghain ng kasong paglabag sa cybercrime laws ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) laban sa isang Chinese national na hinihinalang spy na nadakip sa Makati City noong Mayo.

Sa pahayag nitong Miyerkules, sinabi ni CIDG chief Brig. Gen. Nicolas Torre III na inihain ang kasong paglabag sa Republic Act 10175, o ang Cybercrime Prevention Act, labn kay Yuhang Liu sa Quezon City prosecutor’s office nitong Lunes.

Naaresto si Liu sa kahabaan ng Finlandia Street corner Codornico Street sa Barangay San Isidro, Makati City.

Nag-ugat ang pag-aresto mula sa tawag ng complainant kung saan sinasabing pinilit siya ni Liu na nagdala ng hindi natukoy na communication hacking devices sa tahanan ng suspek.

Ilalagay umano ang kagamitang ito sa vital installations upang-ihack o magkaroon ng access  sa international mobile equipment identity ng mobile phones.

Nakuha ng CIDG members mula sa suspek ang handgun sa kanyang bewang, dahilan upang hanapan siya ng identification at awtoridad na magkaroon ng nasabing baril.

Subalit, hindi nakapagpakita si Liu ang dokumento.

Habang sinasaliksik ang sasakyan ng suspek, nadiskubre ng mga awtoridad ang  ilang baril at mga bala, isang multi-band directional antenna system, battery units, solar inverter, radio receiver/transmitter, isang Huawei router, Apple tablet, mobile phones, at ilang cash.

Gayundin, nadiskubre sa bahay ng suspek ang inverter unit, aerial drone, computer keyboard, CPU units, portable power supply hubs, ilang IDs, at cash.

Sinabi ni Torre na nag operasyon ay suportado ng affidavits mula sa complainant at mga saksi para sa paghahain ng mga kasong illegal interception at misuse of devices.

“This operation reflects the CIDG’s dedication to addressing cybercrimes and ensuring that offenders are held accountable,” wika ng opisyal.

Nakaditine ang suspek sa custodial facility ng Bureau of Immigration sa Camp Bagong Diwa, Taguig. RNT/SA