
PARA mabawasan o mapahinto ang food smuggling sa bansa, nag-usap ang Department of Agriculture (DA) at ang Food and Drug Administration (FDA) na magtutulungan sa pag-inspeksyon ng mga hilaw at nakaproseso nang mga pagkain.
Inamin ni DA Secretary Francisco Tiu Laurel na intensyunal ang ginagawang “misclassification of imported foods” bilang mga processed food para maiwasan ang pagdaan sa inspeksyon ng mga tauhan ng DA. Alinsunod sa umiiral na batas, ang mga deklaradong naprosesong mga pagkain ay nasa hurisdiksyon ng FDA. Isa umano itong malaking butas ng batas na sinasamantala ng mga food smuggler.
Bilang solusyon, nakatakdang i-deputize ni FDA Director General Samuel Zacate ang mga tauhan ng Inspectorate and Enforcement Office ng DA para magsagawa ng inspeksyon sa mga idedeklarang processed food.
Inihahanda na ng DA at ng FDA ang pormal na memorandum of agreement (MOA) na nakatakdang lagdaan sa pagitan nina DA Sec. Laurel at FDA DG Zacate. Inaasahan na magiging malaking panlaban ito kontra agricultural food smuggling sa bansa.
Batay sa datos ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG), bawat taon ay hindi bababa sa Php 200 bilyon ang nawawalang kita ng pamahalaan dahil sa malawakang agricultural food smuggling.
Kamakailan, sinabi ni DA Sec. Laurel ang plano niyang ipa-blacklist ang importers na sangkot sa smuggling sa bansa, kabilang dito ang rice trader, sugar importer at dalawang fish dealer.
Ibinahagi rin ng kalihim ang kaso ng isang rice importer na binalak na ibabang lahat ng shipment nito kahit na ang deklarado lamang ay bahagi ng original volume sa ipinakitang import documents. Nagpapatuloy ang isinasagawang imbestigasyon para makakuha ng sapat na ebidensiya kaugnay sa mga kasong