Home NATIONWIDE DA: Bigas, gulay, karne sa kantina ng LGUs, State schools, aangkatin sa...

DA: Bigas, gulay, karne sa kantina ng LGUs, State schools, aangkatin sa mga magsasaka, mangingisda

266
0

MANILA, Philippines – SINABI ng Department of Agriculture (DA) na manggagaling na sa mga accredited na kooperatiba ng mga magsasaka at mangingisda ang mga pagkaing ibebenta sa kantina ng iba’t ibang Kagawaran o Departamento ng gobyerno.

Ito ang sinabi ni Agriculture Spokesperson Assistant Secretary Arnel de Mesa sa Bagong Pilipinas, kasabay ng inilabas na Executive Order 101 para sa full implementation ng Sagip Saka Act.

Ayon kay de Mesa, sakop din ng kautusan para sa mga accredited farmers and fisherfolk cooperative ang pagkuha ng suplay ng pagkain para sa mga canteen sa mga nasa local government, state colleges and universities.

Kabilang din dito ang mga GOCC na dapat tumalima, kung saan pati ang suplay ng agricultural at fishery products na gagamitin sa kanilang events ay kukunin din sa mga farmers’ and fisherfolk cooperatives and enterprises o FFCE.

Sa pamamagitan nito, aniya, magkakaroon ng hakbang para mapalakas ang productivity at matulungan na mapataas ang income ng mga magsasaka at mangingisda. (Kris Jose)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here