Home NATIONWIDE DA kinalampag sa proteksiyon ng magsasaka, mangingisda bago bumagyo

DA kinalampag sa proteksiyon ng magsasaka, mangingisda bago bumagyo

1
0

MANILA, Philippines – Hinikayat ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan sa Department of Agriculture (DA)na paging proactive sa pagbibigay ng proteksiyon sa magsasaka at mangingisda bago pa man bumagyo upang masagip ang kanilang hanapbuhay.

Sa pahayag, sinabi ni Pangilinan, chairman ng Senate committee on agriculture, food security and agrarian reform na dapat palakasin ng pamahalaan ang preparasyon at protective measure sa sektor bago pa manalas ang susunod na bagyo.

“Mahalaga ang proteksiyon sa agricultural workers bilang proteksiyon din sa atingf food supply,” giit niya.

Inihalimbawa ni Pangilinan ang   temporary moratorium sa paniningil ng agricultural loans sa lugar na lubhang apektado ng sunod-sunod na bagyo at pagbaha.

Iginiit din ng senador ang pangangailangan ng proactive measure upang matiyak na protektado ang ating magsasaka at mangingisda kabilang ang kanilang bukrin at fishing grounds sa epekto ng habagat at bagyo.

“Huwag nating hintaying masira ang kanilang kabuhayan bago tayo kumilos,” he said.

“Kapag nasira ang pananim, palaisdaan, bangka, lambat, at iba pang kabuhayan, hindi lang kita ng magsasaka at mangingisda ang nawawala. Pati ang pagkain na dapat nasa hapag ng bawat pamilyang Pilipino ay nalalagay sa peligro,” aniya.

Base sa pagtatayo ng DA, umabot na sa halagang P1.79 bilyon ang nasalanta sa sektor ng agrikultura sanhi ng habagat at bagyong   Luis, Maymay, at Neneng.

“Sunod-sunod ang sama ng panahon. Hindi pa nga nakakabangon ang marami nating magsasaka at mangingisda, may paparating na naman. Huwag nating hintaying lumubog muli ang mga bukid, matangay ang mga bangka, at mawala ang kanilang kabuhayan bago tayo kumilos,” ani Pangilinan.  Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here