Home NATIONWIDE DA kumpiyansa sa pagbaba ng taripa sa banana exports sa Japan

DA kumpiyansa sa pagbaba ng taripa sa banana exports sa Japan

MANILA, Philippines- Nagpahayag ng kumpiyansa si Department of Agriculture (DA) hinggil sa posibleng konsiderasyon ng Japanese government na repasuhin ang ipinataw nitong taripa sa banana exports ng bansa.

Ito’y matapos magpulong ang Philippine delegation, sa pangunguna ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., noong Marso 10 kasama ang Japan’s State Minister of Agriculture, Forestry and Fisheries Hirofumi Takinami at Liberal Democratic Party Secretary General and Japan-Philippines Parliamentary Friendship League Chairman Hiroshi Moriyama na ipanukala ang general review at maka-secure ng “fairer trade environment” para sa Pilipinas sa gitna ng nagbabagong global landscape.

Sa isang panayam, sinabi ni DA spokesperson Assistant Secretary Arnel de Mesa na kumpiyansa si Tiu Laurel na titingnan ng Japanese government ang tariff concerns ng Pilipinas.

Ang mga sariwang banana exports mula Pilipinas ay mayroong 18% taripa mula April 1 hanggang Sept. 30 at 8% sa panahon ng Oct. 1 hanggang March 31 period sa ilalim ng Japan-Philippines Economic Partnership Agreement (JPEPA).

Ani De Mesa, mayroong posibleng advantages lalo pa’t nananatiling top market for banana exports ng Pilipinas ang Japan.

“Importante na mapababa iyong taripa na ini-impose ng Japan sa ating export bananas para masigurado na mas competitive iyong presyo ng saging sa Japan,” ang sinabi ni de Mesa.

Inihayag nito na ang mas pinababang taripa ay magpapahusay ng oportunidad para sa banana producers.

“Iyong ating mga exporters mapalago pa lalo iyong industriya ng saging sa ating bansa,” aniya pa rin.

Nauna rito, sinabi ni Tiu Laurel na ang pinahusay na export environment ay partikular na mapakikinabangan ng mga banana farmers sa Mindanao.

“The Philippines takes great pride in being the leading supplier of fresh bananas to Japan. To sustain and expand this industry, we must push for tariff reductions on our bananas. This will not only attract greater investment in banana production but also drive poverty alleviation, job creation, and security in Mindanao,” aniya pa rin sa isang kalatas noong March 14. Kris Jose