MANILA, Philippines- Inatasan ng Supreme Court ang magkakapatid na Sebastian, Paolo at Veronica Duterte na maghain ng “traverse” hinggil sa isinumiteng komento ng Department of Justice sa Petition for Habeas Corpus na inihain ng magkakapatid na Duterte.
Sinabi ni SC Spokesperson Camille Ting na tinalakay ng SC En Banc ang habeas corpus petition hinggil sa pagkakaaresto ng kanilang ama para harapin ang kasong crimes against humanity sa International Criminal Court.
Kinumpirma ni Ting na natanggap na nila ang komento ng DOJ na siyang kinatawan na ng gobyerno sa kaso matapos mag-recuse ang Office of the Solicitor General.
Hiniling ng DOJ sa Korte na ibasura ang habeas petiton ng magkakapatid na Duterte dahil wala na itong saysay at kulang sa merito.
Binigyan lamang ng SC ang magkakapatid na Duterte na maghain ng “traverse” ng hindi lalampas ng limang araw.
Ang ‘traverse’ ay isang uri ng legal document o pleading kung saan ang isang partido ay maaring itangginang alegasyon ng kabilang partido. Teresa Tavares