Home ENTERTAINMENT Ara, nakatutok sa pulitika; ‘Baby project,’ saka na muna!

Ara, nakatutok sa pulitika; ‘Baby project,’ saka na muna!

Manila, Philippines- Hindi naging madali sa aktres na si Ara Mina na pagbigyan ang mga nag-aalok sa kanya na pasukin ang pulitika sa Pasig City.

Humingi raw si Ara ng mga signs kay Lord bago tuluyang pumasok at tumakbo bilang konsehal sa District 2 ng Pasig City.

Happy naman si Ara na nagpahayag ng supprta sa kanya si Piolo Pascual. Anytime daw ay puwede itong tumulong sa kanya kung kailanganin.

Bet din sanang mag-ask ng suporta ni Ara kay Sharon Cuneta ngunit alam niyang busy din ito sa pagtakbo ng dating senador na mister na si

Kiko Pangilinan.

Ang kapatid naman niyang si Cristine Reyes ay busy din sa pagsuporta sa kampanya ni Sen. Imee Marcos kaya naiintindihan ni Ara na ‘yung free time lang nito ang naibibigay sa kanya.

Sa ngayon ay hoping si Ara na pagkatiwalaan siya ng mga Pasigueños at sabi nga niya, gusto niyang mag-aral ng public governance, manalo man siya o matalo, para hindi naman siya maliitin pag pumasok na siya sa pulitika.

Paliwanag naman ni Ara kung bakit sa Pasig siya tumatakbong konschal ay taga-rito naman daw talaga siya dahil may bahay dito ang kanyang ina at dito rin siya lumaki.

At kung sakaling mananalo nga siyang konsehal, posibleng bumili na rin sila ng bahay sa Pasig ng asawang si Dave Almarinez para rito na min manirahan nang permanente.

Inamin din ni Ara na ang mayoralty candidate at businesswoman na si Sarah Discaya ang kumumbinse sa kanyang tumakbo.

Nagkakilala sila sa isang medical mission ng foundation ni Sarah at dahil pareho ang advocacy nila na women empowerment at pagbibigay-halaga sa mga PWDs ay nagkasundo agad sila.

FYI ay first time papasok sa pulitika ni ‘Ate Sarah’ dahil nasa construction business talaga ang linya nito.

Pero dahil pareho nga silang gustong makatulong sa mas maraming kababayan nila, kahit magulo raw ang pulitika, ‘go, go, go’ lang sila at laban kung laban!

Sabi ni Ate Sarah, “It’s a great honor to share the same space, the same front with Ara, isang Pasiguena na matagal nang advocate ng karapatan ng mga kababaihan, well-being ng mga kabataan at proteksyon ng disadvantaged sectors.

“Mahalaga po sa akin ang mga isyung ito. Kaya po noong magdesisyon akong pasukin ang labang ito, importante sa akin that I fight it side by side with Ara.

“Para sa aming dalawa at sa mga kasama namin sa team.”

Shocked man daw ang mister ni Ara na si Dave Almarinez (na tumatakbo ring partylist representative) sa kanyang pagpasok sa pulitika ngunit suportado naman nito ang kanyang pagtakbo.

Kaya ayun, after elections na raw ang kanilang, “baby project” dahil pareho pa silang busy ngayon sa election. JP Ignacio