MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Department of Agriculture (DA) nitong Huwebes, Nobyembre 11 na mabibili na ang P20 kada kilong bigas sa lahat ng 82 probinsya ng Pilipinas.
Ang nationwide coverage completion ng “Benteng Bigas Meron Na!” initiative ay minarkahan ng final launch na isinagawa sa mga bayan sa Maguindanao del Norte, ang Barira, Buldon, Matanog, Sultan Kudarat, at Sultan Mastura.
Maaaring mabili ang P20 kada kilong bigas ng vulnerable sectors katulad ng 4Ps beneficiaries, single parents, senior citizens, indigenous people, persons with disabilities, minimum wage earners, public transport sector, mga magsasaka at mangingisda.
Ang mga bigas ay kinuha mula sa mga stock ng National Food Authority (NFA), na direkta namang binili mula sa mga lokal na magsasaka.
May subsidiya ang pamahalaan sa programa sa pamamagitan ng Food Terminal Inc. (FTI).
Sa ilalim ng programa, bumibili ang pamahalaan ng bigas sa NFA sa halagang P33 kada kilo.
Ang mga ito ay ibebenta sa halagang P20 kada kilo, habang ang P13 kada kilong subsidiya ay paghahatian ng national government at lokal na pamahalaan ng tig-P6.50.
“This is about uplifting every Filipino, boosting local production, and ensuring no one — regardless of culture or religion — is left behind in our nation’s progress,” pahayag ni DA Assistant Secretary Genevieve Guevarra.
“The fulfillment of the P20 rice project would not have been possible without the unified action and collaboration of various government agencies,” dagdag ni Guevarra.
Sinabi ng DA na nakapagtatag na ito ng 429 sites para sa P20-rice program sa buong bansa.
Sa susunod na taon, target na maabot ang 15 milyong pamilya. RNT/JGC