Home METRO Dadalaw lang sa kalive-in na nakakulong, tuluyang nag get-together; pasalubong na shabu...

Dadalaw lang sa kalive-in na nakakulong, tuluyang nag get-together; pasalubong na shabu buking

2
0

VALENZUELA CITY, Philippines – Tuluyang nag get together ang pagdalaw ng i sang babae sa kinakasamang nakakulong nang mabisto ito sa pasalubong na shabu matapos makapkapan, napaulat kahapon sa Valenzuela City.

Ang suspek na si alyas “Len”, naninirahan sa Brgy. Dalandanan ng nasabing lungsod ay kakasuhan ng paglabag sa Section 11 ng R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

Sa imbestigasyon ni SDEU investigator PSSg Janine Buenaventura, pasado alas-2:15 ng hapon nang dumating ang suspek sa Valenzuela City Jail sa Maysan Road, Barangay Malinta, para dalawin ang kanyang live-in partner na nakakulong sa nasabing pasilidad.

Nang kapkapan ng babaeng tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), nasamsam sa bulsa ng suspek ang isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na dahilan ng kanyang pagkakaaresto.

Nang hilingin ng suspek na kunin ang kanyang cellphone sa loob ng bag niya para matawagan ang kanyang kaanak, isa pang plastic sachet na naglalaman din ng umano’y shabu ang nadiskubre pa sa loob ng bag.

Nakumpiska din sa suspek ang isang shoulder bag, cellphone at identification card. (Merly Duero)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here