Home NATIONWIDE Daga at surot sa NAIA inihalimbawa sa tanim-bala scam

Daga at surot sa NAIA inihalimbawa sa tanim-bala scam

MANILA, Philippines – Hindi lamang simpleng insidente ang kumakalat na viral video na nagpapakita ng mga naglipanang daga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kundi intensyonal itong ginagawa upang ikasira ng Marcos administration.

Ito ang obserbasyon ni Ako Bicol Partlylist Rep Raul Angelo Bongalon kung saan inihalimbawa ang panibagong kontrobersiya sa NAIA sa tanim bala scam.

“The fact that viral pest stories were posted in succession might mean there is an effort to discredit the Marcos administration by encouraging criticisms of the country’s airports” ani Bongalon.

“Posible po ba na maging destabilization ito laban sa present government? Posible po. That is my take. Ito po ay kailangang tugunan ng management or mga opisyales ng NAIA and probably they can issue a certification that the airports are now pest-free. Because, again, this will put the administration in a bad light na alam natin ang airport ay gateway papunta sa ibat-ibang bansa,” paliwanag pa nito.

“Napaka-unusual lang po ano. Kasi una, surot. Ngayon daga na naman. Eh hindi na po natin dapat hintayin na dumating pa sa punto na yung tanim-bala ay bumalik na naman,” giit pa ng mambabatas.

Inaasahan naman na kikilos ang Kamara para imbestigahan ang pest woes sa paliparan. Gail Mendoza

Previous articleQuiboloy ipaaaresto ng Kamara ‘pag no-show sa pagdinig sa Mar. 12
Next articleDNA ng Pinay na naaresto sa pag-abandona ng bangkay sa Japan, tumugma sa murder weapon