Home HOME BANNER STORY Quiboloy ipaaaresto ng Kamara ‘pag no-show sa pagdinig sa Mar. 12

Quiboloy ipaaaresto ng Kamara ‘pag no-show sa pagdinig sa Mar. 12

Kamara gagayahin ang aksyon ng Senado pag hindi dunalo si Quiboloy sa pagdinig sa Marso 12

MANILA, Philippines – Gaya ng ginawa ng Senado, mahaharap din sa mabibigat na “consequences” si Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Apollo Quiboloy kung mabibigo itong dumalo sa March 12 hearing ng Committee on Legislative Franchises.

Nagbabala ang Kamara na maliban sa contempt charge ay kanilang ipaaaresto si Quiboloy.

Sa isang press briefing sinabi nina House Deputy Majority Leader for Communications Erwin Tulfo at Ako Bicol Rep Raul Angelo Bongalon na ayaw nilang pangunahan ang gagawin ng komite ngunit tiyak na mabigat na parusa ang kahaharapin ni Quiboloy sa oras na isnabin muli ang imbestigasyon ng Kamara.

“Ayaw naming pangunahan ‘yung magiging desisyon ng committee kasi usually ho ‘pag inimbitahan ka ng committee, formal invitation, ‘pag hindi ka sumipot papadalhan ka ng subpoena. ‘Pag hindi ka sumagot sa subpoena parang na-insulto po ‘yung committee, I mean ‘yung authority,” ani Tulfo.

“So ganoon din siguro mangyayari na ‘pag hindi siya sumipot, hindi niya pinansin ‘yung subpoena, then magkakaroon ho ng problema,” dagdag pa nito.

Sa naging pagdinig ng Senado sa reklamong human trafficking, rape, sexual at physical abuse laban kay Quiboloy ay iniutos ni Sen. Risa Hontiveros na arestuhin at patawan ito ng contempt matapos hindi dumalo.sa pagdinig noong Martes.

Sa panig ni Bongalon, sinabi nito na matagal na din binabalaan ng Kamara si Quiboloy sa ginagawa nitong pag isnab sa pagdinig ng Kamara kaya tiyak na mahaharap.na ito sa kaso kung hindi pa rin dadalo sa Marso 12 hearing.

Sinabi ni Tulfo na marami nang beses na nagpakulong ang Kamara kaya hindi exempted dito si Quiboloy.

Pinadadalo ng Kamara si Quiboloy sa March 12 hearing, ito ay gagawin ala 1:00 ng hapon sa Conference Room Nos. 7 at 8, Ramon V. Mitra Building, sa Batasang Pambansa complex.

Ang imbitasyon kay Quiboloy ay kaugnay sa resolusyon na humihiling na kanselahib ang prangkisa ng SMNI network na pag aari ni Quiboloy.

Samantala, ikinatuwa ni Gabriela Partylist Rep Arlene Brosas ang kasong child abuse at human trafficking na isinampa ng DOJ kay Quiboloy.

“It’s about time that the Department of Justice take a decisive step in filing a case. For too long, the cries of child abuse and trafficking victims have fallen on deaf ears, their anguish brushed aside, while Quiboloy evaded justice. This false prophet has sought refuge behind influential figures, notably former President Duterte, who actively shielded him from accountability” pahayag ni Brosas.

Hinamon pa ni Brosas si Justice Secretary Crispin Remulla na tiyakin na hindi lamang ito isanf PR stunt bakus ay tunay na paghahanap ng hustisya para sa mga naging biktiman

” We call for a thorough and impartial investigation to ensure that justice will indeed be served. The victims deserve nothing less than full reparation for the trauma they have endured” dagdag pa ni Brosas. Gail Mendoza

Previous articleSolons sa isyu ng kudeta kay Zubiri: ‘Wag n’yo kami idamay!
Next articleDaga at surot sa NAIA inihalimbawa sa tanim-bala scam