MANILA, Philippines- Nakasalalay sa desisyon ng majority bloc ng Senado kung dadagdagan o babawasan pa ang P733 milyong badyet ng Office of the Vice President, ayon sa isang lider ng Senado.
Sinabi ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada na depende sa desisyon ng majority ng miyembro ng Senado ang kanyang magiging boto hinggil sa kontrobersyal na badyet ng OVP.
“My stand is, it depends on the majority. And if it will redound to the benefit of the people, why not? But it still depends on the decision of the majority in the Senate,” aniya sa interview.
Naunang pinaburan ni Senador Joel Villanueva na dagdagan ang badyet ng OVP matapos kumpirmahin na may apat o hanggang limang senador ang pumayag na itaas ang pondo ng tanggapan para sa 2025.
“I’ve spoken to like four or five members who share my view of increasing the budget of the OVP from that in the GAB passed by Congress,” ayon kay Villanueva.
Nilinaw naman ni Estrada na hindi siya ang tinutukoy ni Villanueva.
“Senator Joel hasn’t spoken to me about it yet. I was not part of the conversation whether or not the OVP funding will be increased,” ayon kay Estrada.
Pabor din si Estrada na itaas ang badyet ng OVP pero depende ang desisyon sa majority ng Senado.
“If it’s necessary that we give [an increase], then give it. If not, then don’t,” ayon kay Estrada.
Nakabitin ngayon ang desisyon sa badyet ng OVP kung itataas o pagtitibayin ang P733 milyon na inaprubahan ng Kamara.
Inihayag ni Villanueva na tumututol siya sa pagbabawas ng P1.2 bilyong pondo ng OVP na inaprubahan ng Kamara.
“As I mentioned earlier, I’m also in that position to somehow increase the budget, not necessarily restore everything… I don’t look at personalities, I don’t look at whatever some politicians are looking at right now, I’m just after the office itself. The Office of the Vice President deserves more,” giit ni Villanueva.
“We have yet to discuss the exact amount. [But], for me, at least P100 (million), P150 (million) is decent enough to increase the budget. So, we’ll see. On our end, we listen to both camps, and the positions of our colleagues. And whatever the consensus is, I will respect the decision of the whole Senate,” dagdag niya.
Sa deliberasyon ng badyet sa plenaryo sa panukalang pondo ng OVP sa 2025, pinagtibay ng Senado ang P733 milyon na inaprubahan ng Kamara mula sa orihinal na P2.03 bilyon.
Nilinaw naman ni Sen. Grace Poe, chairman ng Senate finance committee chair at principal sponsor ngbudget, na hindi pa pinal ang P733 million inilaan sa OVP na maaaring tumaas o bumaba depende sa desisyon ng buong Senado. Ernie Reyes