Home HOME BANNER STORY ‘Kill remark’ kay PBBM ‘taken out of logical context’ – VP Sara 

‘Kill remark’ kay PBBM ‘taken out of logical context’ – VP Sara 

MANILA, Philippines- Pinanindigan ni Vice President Sara Duterte ang kanyang pahayag na ipinag-utos na niya na itumba si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kapagumano’y nagtagumpay ang plano laban sa kanya (VP Sara) ay “maliciously taken out of logical context.”

Ito’y matapos na ikonsidera ng National Security Council (NSC) na seryoso ang lahat ng banta sa mga Marcos at usapin ng national security.

Ang bwelta naman ni VP Sara, kinuwestiyon nito bilang miyembro ng NSC kung bakit hindi siya imbitado sa pagpupulong ng council, sinabi naman ni National Security Adviser Eduardo Año na “closely coordinating with law enforcement and intelligence agencies to investigate the nature of the threat, the possible perpetrators, and their motives.”  

“I would like to see a copy of the notice of meeting with proof of service, the list of attendees, photos of the meeting, and the notarized minutes of meeting where the Council, whether present or past, resolved to consider the remarks by a Vice President against a President, maliciously taken out of logical context, as a national security concern,” ayon kay VP Sara.

“Moreover, please submit within 24 hours, an explanation in writing with legal basis why the VP is not a member of the NSC or why as member I have not been invited to the meetings, whichever is applicable,” dagdag na wika nito.

Sa kabilang dako, hinikayat naman ni VP Sara ang NSC na isama sa kanilang agenda sa susunod na pagpupulong ang kanyang naging kahilingan na ihayag sa konseho ang umano’y banta sa kanyang buhay, sa buong Office of the Vice President (OVP), at mga empleyado nito.

Hiniling din nito kay Año na ipadala sa kanya ang notarized minutes ng lahat ng pagpupulong na ginawa ng council mula Hunyo 30, 2022. 

“I want to review what the council has accomplished so far, in terms of policies and recommendations for national security,” ang sinabi ni VP Sara.

“I urge all National Security Council members and the Filipino people to demand transparency and accountability from the personnel of NSC,” dagdag niya. Kris Jose