Home NATIONWIDE Garcia: Nuisance candidates pwede pang umapela

Garcia: Nuisance candidates pwede pang umapela

MANILA, Philippines- Sinabi ng Commission on Elections (Comelec) nitong Linggo na sumusunod lamang ito sa batas nang ilabas  nito ang mahigit isang daang senatorial aspirants bilang mga nuisance candidate at pagbawalan silang tumakbo sa halalan sa susunod na taon. 

Sa isang panayam sa radyo, nilinaw ni Comelec Chairman George Garcia na ang mga disqualified na kandidato ay maaari pa ring iapela ang usapin sa Korte Suprema, na nag-overrule sa disqualification ng poll body sa ilang mga kaso sa nakaraan.

Sa 183 naghain ng kandidatura sa pagka senador, idineklara ng first at second division ng Comelec ang 117 bilang nuisance candidates.

Ang kasalukuyang inaprubahan kandidato ng Comelec na mataing tumakbo sa pagka-senador para sa 2025 elections ay 66– ang pinakamataas sa anim na taong magkakasunod na eleksyon.

Sinabi ni Garcia na nagsagawa ng background check ang kanilang law department sa mga kandidato.

Inihayag ng Comelec na mayroong 17 pending motion for reconsideration sa  commission en banc. 

Sakaling ibasura ng Comelec ang kanilang mga mosyon, maaari pa rin nilang iapela ang desisyon sa Korte Suprema. Ngunit ang oras ay ang mahalaga dahil nais ng Comelec na tapusin ang listahan ng mga kandidato sa pagtatapos ng Nobyembre, at simulan ang pag-imprenta ng mga balota sa Disyembre. Jocelyn Tabangcura-Domenden