Home HOME BANNER STORY Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo gugulong sa Martes

Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo gugulong sa Martes

MANILA, Philippines- Matapos ang ilang linggong bawas -presyo sa mga produktong petrolyo, magpapatupad naman ng dagdag-bawas sa mga presyo ang mga kompanya ng langis sa bansa epektibo bukas ng umaga.

Sa abiso ng mga kompanya ng langis sa bansa na pinangunahan ng Pilipinas Shell, Petron Corporation, Seaoil, PTT Philippines, Total Philippines, Unioil, Petro Gazz at Phoenix Petroleum, magpatupad sila ng bawa- presyo na P0.10 sa kada litro ng gasolina habang dagdag-presyo naman na P0.25 sa kada litro ng diesel at P0.30 naman sa kada litro ng kerosene epektibo alas-6 bukas ng umaga.

May dagdag-bawas din sa presyo ng mga nabanggit na produktong petrolyo sa kahalintulad na halaga ang kompanyang Caltex (CPI) na ipatutupad alas-12:01 bukas ng madaling araw habang ang CleanFuel naman ay magpapatupad bukas ng alas-4:01 ng hapon.

Ang ipapatupad na dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo ay bunsod sa patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang merkado. JAY Reyes