Home HOME BANNER STORY Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo nakaumang sa sunod na linggo

Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo nakaumang sa sunod na linggo

MANILA, Philippines – Inaasahan ang magkahalong pagtaas at pagbaba ng presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo, ayon sa Department of Energy.

Batay sa unang apat na araw ng kalakalan, maaaring tumaas ng P0.40 hanggang P0.70 kada litro ang gasolina, habang ang diesel ay maaaring bumaba ng P0.10 o tumaas ng hanggang P0.20. Ang kerosene naman ay posibleng walang galaw o tumaas ng P0.10.

Ayon kay DOE Assistant Director Rodela Romero, ang mga pagbabago sa presyo ay dulot ng posibleng pagkaantala ng suplay sa pandaigdigang merkado, kabilang ang drone attack sa isang Russian pumping station, panukalang higpitan ng G7 ang oil price cap sa Russia, at ang posibilidad na ipagpaliban ng OPEC+ ang pagtaas ng produksyon ngayong Abril.

Opisyal na inanunsyo ng mga kompanya ng langis ang price adjustments tuwing Lunes, na ipinatutupad kinabukasan. RNT