Pasig City – Dalawang estudyante ang nasaksak sa labas ng Rizal High School matapos ang isang alitan, habang pitong Children in Conflict with the Law (CICL) ang nasa kustodiya na ng Pasig City Police.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon, nagsimula ang pagtatalo sa loob ng paaralan at nauwi sa pisikal na komprontasyon sa labas.
Dito, isang 14-anyos na CICL ang sumaksak sa dibdib ng isang biktima at sa likuran ng isa pa.
Agad naitakbo ang mga biktima sa Child Hope Hospital, habang tumakas ang mga suspek.
Nasa stable na kondisyon na ang dalawang biktima.
Sa mabilis na follow-up operation, naaresto ang pitong CICL at narekober ang ginamit na patalim.
Patuloy ang masusing imbestigasyon sa insidente. Marites Pumaras