Home HOME BANNER STORY Mga sanggol pwede nang magparehistro sa National ID – PSA

Mga sanggol pwede nang magparehistro sa National ID – PSA

Inanunsyo ng Philippine Statistics Authority (PSA) na maaari nang magparehistro sa National ID ang mga batang wala pang isang taong gulang.

Ang kanilang ID number ay ikokonekta sa National ID ng magulang o tagapag-alaga, na dapat ay rehistrado na.

Maaaring magparehistro ang mga magulang na hindi pa nakalista, kasabay ng kanilang anak, sa mga PSA registration center.

Kinakailangan ang birth certificate o iba pang opisyal na dokumento.

Tanging demographic details at larawan lamang ang kukunin, habang ang buong biometric data ay kukolektahin sa edad na lima. RNT