BAGUIO – Ipinagbawal ng Baguio Flower Festival Foundation Inc. (BFFFI) ang pangangampanya sa 29th Panagbenga Festival sa Pebrero 22-23.
Ayon kay Anthony de Leon ng Executive Committee, ang pagdiriwang ay para sa kasiyahan at hindi dapat gawing pampulitika.
Pinapayagan ang mga kandidato na sumakay sa mga float bilang endorsers ngunit hindi maaaring mamahagi ng campaign materials o maglagay ng posters.
Bawal ding makisalamuha sa mga manonood ang mga reelectionist na konsehal. Layunin ng festival na mapanatili ang masaya at ligtas na turismo sa Baguio. RNT