MANILA, Philippines – Pinabulaanan ng Philippine National Police (PNP) ang mga kumakalat na balita tungkol sa isang white van na nangunguha ng bata, na tinawag nilang walang basehan at bahagi ng matagal nang alamat.
“Unang-una po sa lahat, hindi po namin alam kung saan nanggagaling ang report na ‘yan tungkol sa may white van na nangunguha ng mga bata para ibenta ang kidney,” ani Tuaño sa media briefing sa Camp Crame.
Ayon kay PNP Public Information Office Chief Col. Randulf Tuaño, walang opisyal na ulat ukol sa ganitong insidente, ngunit tiniyak niyang patuloy ang pagbabantay ng pulisya.
Pinalalakas rin ang police visibility upang maiwasan ang anumang krimen.
Bumaba rin ang bilang ng kaso ng kidnapping, na may apat na naitala noong Enero 2025, kumpara sa anim sa parehong panahon noong nakaraang taon. RNT