Home METRO 2025 Magayon Festival kanselado sa Comelec ban

2025 Magayon Festival kanselado sa Comelec ban

Bicol, Philippines – Kinansela ng pamahalaang panlalawigan ng Albay ang 2025 Magayon Festival.

Ito ay upang maiwasan ang paglabag sa Comelec Resolution 11060, na nagbabawal sa paggamit ng pampublikong pondo para sa social services mula Marso 28 hanggang Mayo 11.

Ayon kay Provincial Administrator Cedric Daep, ginawa ang desisyong ito upang mapanatili ang mabuting reputasyon ng lalawigan.

Sa halip, ilalaan ang pondo sa mga proyekto sa turismo, kabilang ang rehabilitasyon ng Ligñon Hill.

Inaasahang ipagpapatuloy ang festival sa 2026. RNT