MANILA, Philippines – Inaasahan ng Department of Energy (DOE) na magkakaroon ng magkakahalong galaw sa presyo ng produktong petrolyo sa unang linggo ng Hunyo.
Ayon sa DOE-Oil Industry Management Bureau, narito ang posibleng galaw sa presyo:
Gasolina – P0.00 hanggang P0.40 taas-presyo
Diesel – P0.20 rollback hanggang P0.30 taas-presyo
Kerosene – P0.00 hanggang P0.10 rollback
Ang inaasahang pagtaas ay bunsod ng banta ng bagong US sanctions sa Russia at patuloy na tensiyon sa mga bansang gumagawa ng langis.
Samantala, ang inaasahang rollback ay dahil sa desisyon ng OPEC+ na dagdagan ang produksyon sa Hulyo at ang paghina ng ekonomiya sa ilang bansa sa Asya tulad ng India.
Iaanunsyo ng mga kompanya ng langis ang opisyal na galaw sa presyo tuwing Lunes at ipatutupad ito kinabukasan. RNT