Home NATIONWIDE Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo umarangkada na

Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo umarangkada na

Remate News Central Photo

MANILA, Philippines – Nagpatupad na ng price adjustments ang mga kompanya ng langis sa bansa.

Batay sa pricing advisories ng mga industry players, tumaas ang presyo ng mga produktong diesel ng P0.25 kada litro.

Para sa mga produktong petrolyo, may kapiranggot na rollback sa P0.10 kada litro; habang ang presyo ng kerosene ay tumaas naman ng P0.30 kada litro.

Ayon sa mga kumpanya ng langis, nagkaroon ng pagtaas sa presyo ng diesel dahil sa market premium at pagsasaayos ng gastos sa kargamento; bagama’t ang pagkalkula ng MOPS ay nagpahiwatig ng pagbawas ng P0.045 kada litro.

Ang mga kumpanya ng langis na nagpatupad ng price adjusments ay Shell Pilipinas Corporation, Cleanfuel, Seaoil Philippines, PetroGazz, Chevron at PTT Philippine. RNT