Home HOME BANNER STORY Dagdag-bawas sa produktong petrolyo ipatutupad sa Martes

Dagdag-bawas sa produktong petrolyo ipatutupad sa Martes

MANILA, Philippines- Magpapatupad ng dagdag-bawas sa mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa epektibo bukas ng umaga.

Sa abiso ng mga kompanya ng langis sa bansa na pinangunahan ng Pilipinas Shell, Petron Corporation, Seaoil, PTT Philippines, Total Philippines, Unioil, Petro Gazz at Phoenix Petroleum, magpapatupad sila ng bawas presyo na P0.10 sa kada litro ng gasolina habang dagdag presyo naman na P0.75 sa kada litro ng diesel at P0.50 sa kada litro naman ng kerosene na magiging epektibo alas-6 bukas ng umaga.

May dagdag-bawas din sa presyo ng mga nasabing produktong petrolyo sa kahalintulad na halaga ang kompanyang Caltex (CPI) na magiging epektibo alas-12:01 bukas ng madaling araw habang ang kompanyang CleanFuel ay magiging epektibo alas-4:01 bukas ng hapon.

Ang ipatutupad na dagdag-bawas presyo sa mga produktong petrolyo ay bunsod sa patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang merkado.

Matatandaang nito lamang nakaraang Martes ay nagpatupad ng dagdag-presyo na P0.20 sa kada litro ng gasolina at P0.50 naman sa kada litro ng diesel at kerosene. JAY Reyes