Home NATIONWIDE SG, Brunei, Malaysia pinasalamatan ng PAF sa pagtulong sa ‘Kristine’ relief ops

SG, Brunei, Malaysia pinasalamatan ng PAF sa pagtulong sa ‘Kristine’ relief ops

MANILA, Philippines- Nagpasalamat ang Philippine Air Force (PAF) sa Singapore, Brunei at Malaysia sa kontribusyon ng mga ito sa relief operations kasunod ni Severe Tropical Storm Kristine (international name: Trami).

Kinilala ng PAF ang international partners sa Humanitarian Assistance and Disaster Response (HADR) operations sa recognition at awarding ceremony sa PAF Multi-Purpose Gymnasium sa Villamor Air Base sa Pasay City nitong Huwebes.

“I am reminded of the spirit of bayanihan, a cherished Filipino tradition rooted in communal unity, cooperation and shared responsibility to help one another through life’s challenges,” pahayag ni PAF Commanding General Lt. Gen. Stephen Parreño.

Dinaluhan ang seremonya ng contingents mula sa Republic of Singapore Air Force sa pamumuno ni Maj. Goh Meng Hui, Royal Malaysian Air Force (RMAF) sa pangunguna ni Maj. Thaddeus Raphael ak Azis, at Royal Brunei Air Force sa pamumuno ni Lt. Col. Muhammad Azmi Bin Haji Aflon, kasama ang kanilang mga piloto at crew.

Nagdulot si Severe Tropical Storm Kristine ng malakas na hangin at pag-ulan mula Oct. 21 hanggang 25, na nagresulta sa malawakang pagbaha at pagguho ng lupa, kung saan naiulat na nasawi ang hindi bababa sa 150 indibidwal. Nakapagtala rin ng 115 sugatan, habang nawawala pa rin ang 29, hanggang nitong Oktubre 31. RNT/SA